Academia.edu no longer supports Internet Explorer.

To browse Academia.edu and the wider internet faster and more securely, please take a few seconds to  upgrade your browser .

Enter the email address you signed up with and we'll email you a reset link.

  • We're Hiring!
  • Help Center

paper cover thumbnail

"K to 12: Salamin ng Paghamon, Pagkasindak at Realidad"

Profile image of Imelda  de Castro

ABSTRAK: Isa sa mga karapatan ng mamamayang Pilipino ay ang karapatan sa edukasyon. Ang karapatang makapag-aral ay hindi lamang umiikot sa mga taon kung saan ginugugol ng isang mag-aaral ang kanyang oras sa pagbasa at pagsulat, higit dito ay ang kalinangan sa mga kasanayan na dapat niyang matutunan sa labas ng apat na sulok ng silid-aralan. Sa mga nakalipas na taon, ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas ay anim na taon sa Elementarya samantalang apat na taon ang ginugugol sa Sekondarya. Ngunit kasabay ng nagbabagong panahon ay ang mga reporma sa edukasyon sa ating bansa. Matatandaan na sinimulang ipatupad ng Kagawaran ng Edukasyon ang K to 12 o Kindergarden + 12 taon ng basic education noong Hunyo ng taong 2012. Marami sa mga mag-aaral, magulang, at guro ang nagulat sa mga pagbabago lalo’t hindi lang karagdagang dalawang taon ang nadagdag sa 10 taon ng sistema ng edukasyon, kung hindi marahil pati ang kurikulum at ang sistema na rin ng pagtuturo ang nabago. Iba’t ibang pananaw ukol sa bagong sistema ang nabuo, may ideolohiya na mula sa mga mag-aaral, magulang, higit sa mga guro na nagpapatupad ng sistema. Lubos nga ba nating nauunawaan ang kasalukuyang sistema ng edukasyon? Marahil, lahat ng magagandang bagay ukol dito ang sinasambit ng Department of Education. Sa puntong ito, may ilang katanungan na dapat bigyan ng malinaw na kasagutan sa perkspektibo ng isang propesor bilang bahagi ng sistemang binago ng panahon.

Related Papers

ANGELICA MALIGALIG

Ang Asignaturang Filipino ay kabilang sa K to 12 Curriculum na idinisenyo ng mga eskperto sa Kagawaran ng Edukasyon upang mapalawak ang kaalaman ng bawat Filipino patungkol sa sariling wika at ang mga kagamitan nito. Sa kasalukuyan, maraming mag-aaral ang nahihirapan sa Asignaturang Filipino at maging pagpapahayag ng kanilang mga ideya at saloobin sa paraang pasulat ay apektado. Kapansin-pansin na nawawalan sila ng kawilihan, kadalasang hindi pinakikinggan ang mga aralin at kinatatamaran ang pagsulat kung nakasusulat man ay kulang sa kasanayan. Kaya't ninais ng mananaliksik na gumamit ng ibang estratehiya na maaaring makatulong sa pagpapaunlad ng kasanayan sa pagsulat ng sanaysay ng mga magaaral, ang Cloze Passage bilang estratehiya sa pagtuturo ng Filipino. Ginamit sa pananaliksik ang eksperimentalna disenyo, Pauna at Panghuling Pagsulat ng Sanaysay (Pre-test& Post-test) upang matamo ang mga layunin ng pag-aaral: (1) Ano ang kasanayan sa pagsulat ng sanaysay ng mga mag-aaral ba...

thesis title tungkol sa edukasyon

Danica Lorraine Garena

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang mabatid ang pananaw ng mag-aaral sa paggamit ng mga sariling komposisyon ng panitikang pambata at antas ng pang-unawa. Sa pag-aaral na ito binibigyang katugunan ang mga sumusunod na katanungan: Ano ang pananaw ng mga tagasagot sa paggamit ng mga Sariling Komposisyon ngPanitikang Pambata bataysa nilalaman,layunin,disensyo/istilo, kasanayan/gawain; Ano ang antas ng pang-unawa ng mga tagasagot sa paggamit ng mga Sariling Komposisyon ng Panitikang Pambata batay sa Pang-unawang Literal at Pang-unawangKritikal; May makabuluhang kaugnayan ba ang pananaw ng mag-aaral sa paggamit ng mga Sariling Komposisyon ng Panitikang Pambata at Antas ng Pang- unawa sa Pagbasa; Ang pamamaraang palarawan-correlation ang ginamit ng mananaliksik upang makalap ang mahalaga at makatotohanang impormasyon na kinakailangan sa pag-aaral. Ang istatistikal na pamamaraan na ginamit sa pagsasaliksik ay weighted mean at standard deviation para sa pananawng mga tagasagot sa Mga Sa...

Ariel A. Diccion

Sa mga pag-aaral ukol sa Simbahang Aglipay o Iglesia Filipina Independiente, karaniwang tinatalakay ang rebolusyonaryo nitong pinagmulan at separatista nitong simulain. Salat ang mga pag-aaral ukol sa mga tiyak na Aglipayanong kongregasyon sa kapuluan, partikular sa patuloy nilang pag-iral sa kontemporanyong panahon sa kanilang mga tiyak na konteksto. Sa talakayang ito, sinuri ang pagdaraos ng prusisyon ng Salubong ng Aglipayanong kongregasyon sa Paliparan, Santo Nino, Lungsod ng Marikina bilang isang pagtatanghal ng dalawang naratibo. Ang una bilang paggunita ng muling pagkabuhay ni Hesukristo na siyang rurok ng pananampalatayang Kristiyano; at ikalawa bilang muling pag-uulit at pag-aangkin ng mga Aglipayanong mananampalataya ng kanilang mga gawi matapos lisanin ang dating lunan ng pagsamba. Sa pagsipat sa mga aspekto ng Bigkis ng Bisa at Aliw mula kay Richard Schechner, hinimay sa pag-aaral na ito ang mga ritwalistiko at teatrikal na katangian ng nasabing pagtatanghal bilang isang...

The Normal Lights

Rodrigo Abenes

Layunin ng pananaliksik ang makabuo ng mga lunsarang aralin at gawaing angkla sa MELCs o Most Essential Learning Competencies sa primaryang antas. Pangunahing metodo ang disenyong palarawan at pagbuo ng mga lokalisado at kontekstuwalisadong may temang katutubo, kabuhayan, kalinangan, kapaligiran, at diskursong kasarian na angkop sa pagtuturo sa anyong modyular, harapan, o blended. Ginamit ang sarbey at panayam sa mga piling kalahok. Lumabas sa pag-aaral na epektibo ang mga aralin kapag nakadikit sa karanasan, kaligiran, at interes ng mga mag-aaral. Ang mga kontekstuwalisadong aralin na pinagtibay sa konteksto ng pandemya at bagong kadawyan o new normal ay mainam na gamiting sandigang kaalaman sa kasanayan at kahusayang komunikatibo sa Filipino at iba pang kaugnay na disiplina.

Kritike: An Online Journal of Philosophy

International Journal of Research Studies in Education

JOHN EMIL ESTERA

Mansa Gurjar

Likhaan: The Journal of Contemporary Philippine Literature

Napoleon Arcilla

Nambiyath Balakrishnan

Oxford Art Journal

Abigail Solomon-Godeau

RELATED PAPERS

G. Sinnaeve

Journal of Physics A: Mathematical and Theoretical

TamĂĄs Geszti

Sayidati Putri

Burkhardt Wolf

European Journal of Cancer Supplements

Lorelei Irina Brasoveanu

Yudhanjaya Wijeratne

Gary Bowersox

Jurnal Pengabdian kepada Masyarakat (Indonesian Journal of Community Engagement)

Liszulfah Roza

Iva Milivojevic Jestratijevic

European Journal of Dental and Oral Health

JULES ROGER KUIATE

International Journal of Sport and Exercise Psychology

Jaime Diaz Ocejo

Communications in Computer and Information Science

Carlos Garcia Garino

pawel Witczak

The journal of headache and pain

Sabina Cevoli

Revista chilena de cirugĂ­a

Octavio Castillo

International Journal of Rock Mechanics and Mining Sciences

Kaveh Saleh

Chemosphere

Y. Berghoute

William Katz

Research Square (Research Square)

igor stadnichuk

Physical Review Letters

Arun Bansil

American Journal of Ophthalmology

Facundo Sanchez

Proceedings of SPIE

Piera Maccagnani

Noida Sector 11

pooja sharma

  •   We're Hiring!
  •   Help Center
  • Find new research papers in:
  • Health Sciences
  • Earth Sciences
  • Cognitive Science
  • Mathematics
  • Computer Science
  • Academia ©2024

Animo Repository

  • < Previous

Home > ETD > ETD_DOCTORAL > 349

Dissertations

Ang pilosopiya ng edukasyon para sa mga pilipino ayon kay emerita s. quito: isang pagsusuri.

Jerwin M. Mahaguay

Date of Publication

Document type.

Dissertation

Degree Name

Doctor of Philosophy in Philosophy

College of Liberal Arts

Department/Unit

Thesis adviser.

Feorillo Petronillo Demeterio, III

Defense Panel Chair

Napoleon Mabaquiao

Defense Panel Member

Elenita Garcia Ferdinand Dagmang Voltaire Mistades Florentino Timbreza

Abstract/Summary

Ang Pilosopiya ng Edukasyon para sa mga Pilipino ayon kay Emerita S. Quito ay dapat tungo sa rekonstruksyon ng lipunan. Ito ay nakabatay sa pagmamahal sa bayan o nasyonalismo. Para sa kanya kailangan ang dekolonisasyon upang alisin ang impluwensya ng mga dayuhan na naipunla sa loob ng mahigit tatlot kalahating sentenaryo ng pananakop. Sa ganitong punto ay mababalikan ang kakanyahan at kadalisayan ng Diwang Pilipino. Lilitaw muli ang pagpapahalagang Pilipino na siyang simula ng isang matibay na pilosopiya ng edukasyon at marapat na pundasyon ng mga bansang nasa Third Word. Bagamat marami na ang nagtangkang ilagay ang nasyonalismo bilang batayan ng pilosopiya ng edukasyon, kakaiba ang paraan ni Quito sapagkat isinabay niya ito sa pangangailangan ng pragmatiko at maka-essensiyang (klasiko) kaalaman. Samakatwid ang kanyang pilosopiya ng edukasyon ay nakabatay sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa kung saan ang mga Pilipino ay nasa krisis sa pagitan ng pag-alam ng pagmamahal sa bayan at praktikal na ideya ukol sa pagtatrabaho at paninirahan sa ibang bansa. Ang pag-aaral na ito ay isang pagsusuri ng pilosopiya ng edukasyon ni Quito bilang batayan ng pambansang adhikain. Naglalayon din ito na iposisyon ang ideya ni Quito sa makabagong diskurso at salik sa edukasyon. Kakaiba ang ideya ni Quito sapagkat nag-uugat ito sa pag-uugnay niya ng nasyonalismo sa edukasyon bilang batayan ng bansang nasa Third World. Samantalang nakaugat ang pangunahing diskurso ng mananaliksik ukol sa mga banta sa ideya ni Quito sa pananaw na ang Diwang Pilipino ay di nawala o natabunan ng banyagang kalinangan. Di rin ito kailangang tabasan at ibalik sa estado bago dumating ang mga Kastila, sapagkat ang mga karanasan sa panahon ng pananakop ay bahagi na rin ng Diwang Pilipino. Ang Diwang Pilipino ay isang nagpapatuloy na proseso at hindi isang esensya. Kung gayon ang direksyon ng pilosopiya ng edukasyon para sa mga Pilipino ay di pagbalik sa nakaraan kundi pagkilala sa kasalukuyang salik sa edukasyon at paggawa ng mga bagong pagpapahalaga na aakma sa nagbabagong Diwang Pilipino at nagbabagong sitwasyon.

Abstract Format

Accession number, shelf location.

Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

1 computer optical disc ; 4 3/4 in.

Recommended Citation

Mahaguay, J. M. (2013). Ang pilosopiya ng edukasyon para sa mga Pilipino ayon kay Emerita S. Quito: Isang pagsusuri. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/349

This document is currently not available here.

Since September 29, 2020

Advanced Search

  • Notify me via email or RSS
  • Collections
  • Disciplines
  • Colleges and Units
  • Submission Consent Form
  • Animo Repository Policies
  • Animo Repository Guide
  • AnimoSearch
  • DLSU Libraries
  • DLSU Website

Home | About | FAQ | My Account | Accessibility Statement

Privacy Copyright

Philippine E-Journals

Home ⇛ malay ⇛ vol. 33 no. 2 (2021), category and use of graduate researches in selected state universities in the bicol region: guide in the development of proposed extension activity in filipino.

Jaime T. Amante Jr | Jovert R. Balunsay | Susan M. Tindugan

Isa sa mga kahingian sa mga mag-aaral sa antas gradwado ang pagsasagawa ng tesis at disertasyon bilang pinal na gawaing akademiko. Kritikal para sa kaguruang nagpapakadalubhasa sa antas gradwado ang pagpili ng paksang pampananaliksik, pagtukoy ng disenyong gagamitin, at pagpapasya kung anong output ang magsisilbing ambag ng napiling paksa. Sa artikulong ito, inilahad ng mga may-akda ang isinagawang pagsusuring pangnilalaman sa mga saliksik ng mga paaralang gradwado ng programang Filipino. Ang mga ito ay Master sa Filipino, Master ng Sining ng Edukasyon sa Filipino at Doktor ng Pilosopiya sa Filipino. Napag-alaman ng mga mananaliksik na karaniwang mga kagamitang instruksiyonal sa Filipino ang nagsilbing output ng mga sinuring pag-aaral. Kabilang sa mga kagamitang panturo ay mga aklat, modyul, banghay-aralin, diksiyonaryo, at iba pa. Ito ang nagbunsod sa mga mananaliksik upang makabuo ng isang gawaing pang-ektensiyon sa Filipino. Mga Susing Salita: Output, Disertasyon, Ekstensiyon, Filipino, Tesis One of the requirements of graduate students is a thesis or a dissertation as their final academic requirement. It is a crucial task for the teachers who are studying in the graduate school to choose research topics, identify research design and decide what output will be developed as an off-shoot or contribution of the study. In this article, researchers have conducted a thorough content analysis of the completed theses and dissertations of masters and doctorate students in Filipino programs. The researchers found out that the research outputs are instructional materials like books, modules, lesson plan, dictionary, and other printed materials. The findings gave the researchers the idea to develop a proposed extension activity in Filipino.

thesis title tungkol sa edukasyon

Share Article:

thesis title tungkol sa edukasyon

ISSN 2243-7851 (Online)

ISSN 0115-6195 (Print)

  • Citation Generator
  • ">Indexing metadata
  • Print version

logo

Copyright © 2024  KITE E-Learning Solutions |   Exclusively distributed by CE-Logic | Terms and Conditions

thesis title tungkol sa edukasyon

Mga Sanaysay Tungkol sa Edukasyon (10 Sanaysay)

Mga Sanaysay Tungkol sa Edukasyon

Tunay nga na ang maayos na eduksyon ang pamana ng mga magulang na hindi mananakaw ninuman. Hindi lahat ng tao ay may kakayahang makakuha ng maayos at pormal na edukasyon. Kaya naman sa mga taong may kakayahang makapag-aral at makapagtapos ng kanilang pag-aaral ay hindi dapat ito gawing biro o kaya ay ipagsawalang-bahala lamang bagkus ay maging mapagpasalamat.

Malaki ang naitutulong ng edukasyon sa buhay ng tao. Upang malaman ang kahalagahan nito, magandang mabasa mo ang mga halimbawa ng sanaysay tungkol sa edukasyon na nasa ibaba. Ang mga sanaysay na ito ay masusing pinag-isipan ng mga sumulat na maaring makaapekto kung paano mo tinatanaw o tinitingnan ang edukasyon na mayroon ka ngayon. Maaari mo rin itong gawing gabay kung sakaling gagawa ka din ng sanaysay sa kaparehong tema.

Halina’t basahin ang sampung sanaysay tungkol sa edukasyon na aming kinalap at pinagsama-sama. Nawa ay makatulong sa iyo ang mga sanaysay na ito. 🙂

SEE ALSO: Mga Talumpati Tungkol sa Edukasyon

Mga Halimbawa ng Sanaysay Tungkol sa Edukasyon

Ang kahalagahan ng edukasyon, kahalagahan ng edukasyon, kahalagahan ng pag-aaral o edukasyon tungo sa pag-unlad ng bansa, ang kahalagahan ng edukasyon para sa akin, edukasyon edukasyon, ang k+12 sa edukasyon ng pilipinas, matuto tayong humawak ng pera, ang kahalagahan ng edukasyon sa kabataan, edukasyon: tungo sa magandang kinabukasan, ang pag-ibig ng edukasyon.

Mula sa Sanaysay-Filipino.blogspot.com

Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. Mataas na edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na natutunan sa ating mga university at paaralan. Bagaman, kasama ito sa mga pangunahing elemento upang magkaroon ng sapat na edukasyon, ang praktikal na edukasyon na nakabase sa ating araw-araw na pamumuhay ang siya pa ring dapat na piliting maabot. Matibay ang isang edukasyon kung ito ay pinagsamang katalinuhan bunga ng mga pormal na pag-aaral tungkol sa Mathematics, Science, English at mga bagay na tungkol naman sa buhay at kung paano mabuhay ng maayos.

Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng isang bansa. Kung wala nito, at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang matibay at matatag na pundasyon ng edukasyon, magiging mahirap para sa kanila na abutin ang pag-unlad. Marapat lamang na maintindihan na ang edukasyon ay siyang magdadala sa kanila sa kanilang mga inaasam na mga mithiin.

Ang unang layunin ng edukasyon ay upang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay at impormasyon sa kasalukuyan, sa hinaharap at sa kinabukasan. Ito ang nagsisilbing mekanismo na humuhubog sa isipan, damdamin at pakikisalamuha sa kapwa ng isang tao. Ito rin ang dahilan ng mga mabubuti at magagandang pangyayari sa ating mundo at ginagalawang kapaligiran.

Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa buhay sa kanilang kinabukasan. Ang kanilang kabataan ang siyang estado kung saan nila hinahasa ang kanilang mga kaisipan at damdamin sa mga bagay na kailangan nila sa kanilang pagtanda. Ang edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ang nagiging daan sa isang tao upang magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa kanyang buhay, pagkatao at komunidad na ginagalawan. Ito ang naghuhubog ng mga kaisipan tungo sa isang matagumpay na mundo na kailangan ng bawat isa upang lubusang mapakinabangan ang daigdig at malaman ang mga layunin nito.

Ang kabataan ay nararapat lamang na magkaroon ng sapat na edukasyon sa pamamagitan ng kanilang karanasan at pormal na programa na nakukuha sa mga paaralan. Ito ang kanilang magiging armas upang maharap nila ang mga bagay na kaakibat ng kanilang magiging kinabukasan. At dahil sila ang ating pag-asa, nararapat lamang na ibigay natin sa kanila ang lahat ng edukasyon na kailangan nila upang maabot nila ang mga pangarap na nais nilang matupad. 2011 Mga Sanaysay sa Filipino.

Mula sa Edukasyon.wordpress.com

Ang Edukasyon ay mahalaga sa bawat isa dhil dito nakasalalay ang kinabukasan ng bawat tao at kung ano ang kanyang kahihinatnan d2 sa mundo. At ito ang ating sandata para magkaroon ng magandang buhay. Maraming paraan upang makamit natin ang isang mabuting hinaharap. Ang paghahanda para sa ating kinabukasan ang mabisang paraan upang makasiguro tayo sa ating pamumuhay. Ngunit may mga hadlang din na maaring pumigil sa ating pagtatagumpay, kaya marapat lang na maging maagap ang bawat isa sa atin upang tagumpay na malagpasan ang mga ito. At ang pagkamit ng tagump[ay ay kailangan buo determinasyon, tiwala sa sarili, may pananampalataya sa Diyos at marami pang mga katagian na dapat nating taglayin para makamit natin ang magandang bukas. “KAHIRAPAN AY DI HADLANG SA KINABUKASAN”. Lagi natin tandaan na tayo gumgawa ng ating sariling kapalaran kaya kung anuman ang ating tatahakin ay nakasalalay sa ating mga kamay. at lagi tayo sasandal sa ating Panginoon sa lahat ng ating mga ginagawa dahil walang imposible sa kanya kung tama at nararapat ang iyong ginagawa.

Sanaysay ni Yolanda Panimbaan

Edukasyon
susi ng tagumpay. Ang tanging yaman na kahit kailan ay hindi makukuhalalong-lalo ng hindi mananakaw ng kahit na sino man dito sa mundo. to ay pinakaimportante o pinakamahalagang bagay para magtagumpay sa ating mga buhay. Anu-ano ang kahalagan ngedukasyon para makatulong sa ating bayan! Paano makakamit ang tamang edukasyon! Paanomakakatulong ang edukasyon sa ating buhay!

Ang kahalagahan ng edukasyon para makatulong sa ating bayan ” halimbawa sa isangkomunidad iilan lamang ang may alam tapos ang karamihan ay walang pinag-aralan” mahalagatalaga ang edukasyon para umunlad ang ating bayan. #akakamit ang tamang edukasyon sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti.

Sa buhay natin ay hindi lahat nakukuha ng walang paghihirap at pagsisikap, ganoon din sa pag-aaral. Dadaan ka muna sa butas ng karayom at ika nga nila bago ka makakatapos sa pag-aaral, kailangan malakas ang loob mong harapin ang kahit na ano man ang hadlang o suliranin dahilkung lahat ng hadlang ay kaya mong lampasan. Siguradong may maliwanag na bukas angmaghihintay sa iyo. Malaki ang tulong ng edukasyon sa ating mga buhay lalo na kung nakataposka ng iyong pag-aaral. Kapag nakatapos kana sa pag-aaral at nakakuha kana ng magandang trabaho ay gaganda na ang takbo ng buhay mo pero syempre pagdating naman sa trabaho dapat galingan ang pag tatrabaho para sa ikakaunlad ng buhay. Nakakapanghinayang lang ang iba nanakapagtapos na nga at lahat-lahat ay ayos ay hindi naman ginagamit ang pinag-aralan. Sayang lang ang ginastos at panahon na inilaan sa pag-aaral.

Kaya habang may buhay at may pagkakataon pang puwedeng mag-aral, sikapin at pilitin nating makakuha ng edukasyon para sa ikauunlad ng buhay dahil mahirap na hanggang sa kamatayan ay mangmang. Kaya nga nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. Gagawa ka ng may pagtitiwala at pananalig sa Amang Lumikha para ang tulong Niya ay makakamit.

Sanaysay ni Junrey Casirayan

Edukasyon daw ang tanging paraan tungo sa magandang Kinabukasan. Gaano nga ba Kahalaga ang Edukasyon? Bakit ba napaka-importante nito? Ilan lang yan sa mga katanungan ng bawat isa sa atin.

September 18, 2009 namatay ang pinakamamahal kong Ama. Halos dinamdam ko ng sobra ang pagkawala niya. Unti-unti akong nanghina, nawalan ng lakas ng loob at unti-unting nawalan ng pag-asa. Sobrang sakit ang naramdaman ko noong mga panahong yon. Parang nadurog yong puso ko at nawalan ako ng ganang mag-aral. Kaya noong 2010, tumigil ako sa pag-aaral. Siguro nga sinayang ko lang ang mga oportunidad. Ang bawat pagkakataon ay binalewala ko lang. Kaya heto ako ngayon, walang natapos at punong-puno ng pagsisisi.

Sa panahon ngayon may mga taong nakapag-aral nga, ngunit wala namang mabuting asal. Yong puntong nakapagtapos nga sila ng magandang kurso, ngunit hindi naman umaakto ng maayos ayon sa kanilang pinag-aralan. Sa mahaba-habang panahon na lumipas, natutunan kong Pahalagahan ang Edukasyon. Para sa akin kasi, ang Edukasyon ay hindi lang pataasan ng marka o ng natapos na kurso. Kailangan mo ring panindigan na talagang may Pinag-aralan ka. Kailangan mong matutunan kung paano rumespeto ng ibang tao at kung paano irespeto ang sarili mo. Edukasyon ang masasabi kong pinaka-matibay na pundasyon. Para sa akin napakahalaga nito, dahil ito lang ang daan upang makamit natin ang ating mga mithiin. Edukasyon ang magsisilbing tulay natin sa pag-abot ng ating mga pangarap. Kaya nitong baguhin ang buhay ng isang tao. Kapag may pinag-aralan ka, madali na lang para sa’yo na abutin at kamtin ang hinahangad na tagumpay.

Ang Edukasyon ang pinakamahalagang pamana ng ating mga magulang. Lahat ng bagay sa mundo ay lumilipas, pero ang Karunungan kailan man ay hindi kumukupas. EDUKASYON lamang ang NATATANGING bagay na hindi MA-AAGAW ninuman. Hindi SAPAT na NAKAPAGTAPOS ka lang, kasi para sa’kin kailangan BAONIN mo rin ang KARUNUNGANG natutunan mo sa loob ng PA-ARALAN.

Mula sa Academia.edu

Prayoridad sa sektor ng edukasyon ang susi sa ating kaunlaran!Maraming beses na natin itong narinig. Ilang mga dakilang tao na rin angpaulit-ulit na sinasabi ito. Ilang pag-aaral na rin ang nagpapatunay na malaking bagay ang sapat at dekalidad na edukasyon ng mgamamamayan para sa kaunlaran ng isang bansa.

Ngunit sa ating bansa, sa matagal na panahon ay napabayaan ng ating pamahalaan ang mahalagang sektor na ito ng ating lipunan. Sakawalan ng magandang plano sa sektor ng edukasyon, maging ang mga college graduates natin ngayon ay hindi na nakakahanap ngtrabaho. Sa pag-aaral ng Labor Force Survey ng National Statistics Office, lumalabas na kahit nakatapos sa kolehiyo, 18% ng mga walangtrabaho sa Pilipinas ay mga college graduates. Pangatlo ang mga college graduates sa listahan ng mga madalas walang makuhangtrabaho mula taong 2006 hanggang 2011.

Hindi na nakakagulat ito dahil marami sa mga kolehiyo sa bansa ay nakakakuha ng zero passing rates sa mga professional examinations.Sa lahat din ng professional exams sa lahat ng disiplina sa bansa, lubhang mababa ang average passing rates. Sa datos ng Commissionon Higher Education o CHED, noong 2010 ay 33.91% ang average passing rate at noong 2011 naman ay tumaas lamang ito sa 35.37%average passing rate. Ibig sabihin, lubhang kakaunti lamang ang pumapasa sa mga exams dahil na rin sa hindi dekalidad na edukasyon samaraming bilang ng mga colleges at universities sa bansa.

Ang isa pang dahilan ng patuloy na mababang kalidad ng edukasyon sa bansa ay ang kawalan ng mga mahuhusay na guro sa bansa.Kung titingnan ang teacher-pupil ratio ng Pilipinas kumpara sa mga karating bansa nito, tunay na may problemang kinakaharap ito. Sadatos ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization o UNESCO, noong 2009, sa bawat isang guro sa Pilipinas ay 39pupils ang tinuturuan nito o may ratio na 1:39. Samantala, ang teacher-pupil ratio sa bansang Malaysia ay 1:13 lamang; Thailand ay1:16; Indonesia naman ay 1:17 lamang; at maging ang bansang Vietnam ay may teacher-pupil ratio lamang na 1:20.

Tulad ng pagkain, tirahan, at trabaho, isang karapatang pantao ang pagkakaroon ng sapat at dekalidad na edukasyon. Dapat itongpahalagahan dahil bahagi ito ng pangangalaga ng dignidad ng tao. Ayon sa turo ng Simbahan, ang edukasyon din ang nagbibigaykakayahan sa sinuman na makilahok sa pagpapatakbo ng lipunan at sa pagsisigurong ang lahat ay nakikinabang sa mga bunga ng pag-unlad. Ang patuloy na pagbaba ng kalidad ng edukasyon sa bansa ay patunay lamang ng napakalaking pagkukulang sa pangangalaga atpagtataguyod ng karapatang ito.

Panahon na samakatuwid na iangat ang sektor ng edukasyon sa ating bansa. Kailangang matukoy ng pamahalaan ang napakahalagangkontribusyon ng mga paaralan sa kaunlaran ng ating bansa. Kailangan ang tunay, mabilis at epektibong reporma para sa sektor ngedukasyon sa Pilipinas.

Kasalukuyan ng ipinapatupad ng pamahalaang Aquino ang programa nitong kung tawagin ay K+12. Ito ay ang pagdaragdag ng taon saBasic Education ng bansa. Sa programang ito ay hindi na tatanggapin sa unang grado ang batang hindi nag-kinder bilang unang hakbangsa pagpapatupad nito. At ang isa pa ay ang dalawang taong dagdag sa high school na ibig sabihin ay magkakaroon ng tinatawag naSenior High. Sa loob ng dalawang taon sa Senior High ay maaaring mamili ang isang estudyante ng kanyang espesyalisasyon naTechnical/Vocational course o isport at iba pang pagpipilian.

Ang programang ito ay naglalayong mapataas ang kalidad ng edukasyon ng bansa. Ang Pilipinas na lang kasi ang bukod tanging bansa saAsya ang may pinakamababang bilang ng taon sa Basic Education. Suportado ang programang ito ng ilang sektor tulad ng mga nasanegosyo. Sa ganitong paraan diumano ay maari ng makapagtrabaho ang mga Pilipino kahit high school lang ang tinapos.Napakalaki ng problema ng bansa pagdating sa edukasyon. Sa mga pampublikong paaralan pa lamang ay masyadong siksikan sa mgasilid. Bukod sa walang maayos na bentilador ay hindi na rin matutukan ng maayos ng mga guro ang kanilang mga estudyante sa sobrangdami. Ganito ang sitwasyon sa Metro Manila.

Naiiba naman ang kwento pagdating sa mga malalayong lugar sa bansa. Naririyan ang mga estudyante na maraming oras ang ginugugolsa paglalakad ng ilang milyang layo makarating lang sa paaralan. Mas malala pa sa iba, dahil tumatawid pa sa ilog at peligro ang inaabottuwing umuulan dahil sa rumaragasang baha. Mayroon ding dagat pa ang nilalangoy. Ganito kahirap ang dinaranas nila para langmakapagtapos sa elementarya at high school. Kung mahina-hina ang loob ay napipilitan na lang silang tumigil. Ayon na rin mismo saKagawaran ng Edukasyon ay malaki rin ang kakulangan ng mga silid, aklat at guro sa bansa. Sa kabila ng maraming tapos at lisensyadongguro ay may kakulangan pa rin. Inirereklamo rin nila ang mababang pasahod sa mga guro. Taon-taon rin ay naglilimbag ng aklat perokinakapos pa rin. Ang matagal ng problemang ito ng bansa ay matagal ng pinagpasa-pasahan ng ilang nagdaang administrasyon.

Sa pagpapasimula ng Pamahalaang Aquino sa K+12 program na ito ay mistulang dinadagdagan lang ang problema sa edukasyon ngbansa. Napakaganda ng layunin nito pero tulad ng ibang programa ay hindi naman naaangkop ang pagpapatupad nito. Bakit kaya hindimuna unahin ang mga kasalukuyang pagkukulang ng pamahalaan sa kasalukuyang suliranin. Kumpletuhin ang mga kulang na silidpaaralan. Magbigay ng mga aklat na tama ang nilalamang impormasyon. Magdagdag pa ng mga guro at dagdagan ang kanilang sahod atbenipisyo.

Hindi dapat gumaya ang Pilipinas sa ibang bansa na dinagdagan ang bilang ng taon sa pag-aaral upang tumaas lang ang kalidad ngedukasyon. Hindi nasusukat sa dami ng taong pinasok sa eskwelahan ang katalinuhan ng tao. Kaya namang matutunan ng mga Pilipinoang dapat na matutunan sa kasalukuyang umiiral na sistema. Ang katunayan dito ay ang mataas na kalidad ng edukasyon sa mgapribadong paaralan. Dahil ito ay suportado ng mga kagamitan at tamang pagtutok sa pag-aaral ng mga bata ng kanilang magulang. Maymga nananalo pa ngang estudyanteng Pilipino sa mga patimpalak sa ibang bansa.

Kung dadagdagan ng taon ang pag-aaral ay malulunasan ba nito ang kahirapan? Mababawasan kaya nito ang mga drop out? Kung sangayong sistema pa nga lang ay marami na ang drop out ay paano na kaya kapag tuluyan ng ipinatupad ito. Kahit sabihin pang libre angpag-aaral sa mga pampublikong paaralan ay gumagastos pa rin ang mga magulang sa mga pang-araw-araw na baon ng mga bata. Ibigsabihin nito kapag dinagdagan ng taon ay panibagong dalawang taon din ang dagdag pahirap sa mga magulang. Ang sinasabing para makapagtrabaho na kahit high school lang ang tinapos ay hindi rin totoo. Sa kasalukuyan, kahit may mga tinapos sa kolehiyo ay hirapmakahanap ng trabaho. Karamihan dito ay mga nagsipagtapos ng Nursing.

Bakit hindi baguhin ng pamahalaan ang paglunas sa problemang pang-edukasyon ng Pilipinas. Halimbawa nito ay ang malawakangpagpapatupad ng distant learning sa mga malalayong lugar. Nandiyan na ang teknolohiya ng Internet. Maaring sa halip na araw-araw napasakit sa pagpasok sa eskwelahan ay gawing lingguhan na lang. Pwede ring gamitin ang telebisyon sa pamamagitan ng paggawa ngmga educational channel na panonoorin ng mga bata na kasabay ng turo sa aktwal na panahon sa paaralan. Marami pang alternatibongparaan ang naghihintay na linangin para makatulong sa pag angat ng edukasyon ng Pilipinas. Nagagamit na ito sa ibang bansa.

Ang K+12 ay hindi sagot sa suliranin ng bansa pagdating sa edukasyon. Ito ay dagdag problema at walang malinaw na direksyon at hindinapapanahon. Huwag na sanang gawing mas komplikado ang problemang ito sa pamamagitan ng isang solusyong sa huli ay magigingdagdag pa pala sa suliranin.

Mula sa HinagapNiKaUre.blogspot.com

Ang kaalaman sa paghawak ng pera ay isa sa mga batayang kasanayan upang maayos na makapamuhay sa makabagong panahon. Ang paksang personal na pananalapi ay nakabuo na ng mga batayang kaalaman na dapat ituro sa mga mag-aaral na nais magaral nito. Bagamat pwede kang matuto ng personal na pananalapi sa pamamagitan ng pananaliksik sa Internet, dapat nating siguruhin na lahat ng Pilipinong mag-aaral ay nabibiyayaan ng ganitong kaalaman. Kaya naman nais kong ipanukala na isama ang tamang paghawak ng pera sa ating pangkalahatang kurikulum ng edukasyon.

Tayo ay naghahangad ng masaganang pamumuhay para sa ating mga pamilyang Pilipino. Upang matupad ang ganitong adhikain, kinakailangan ang masusing paghawak sa pananalapi ng pamilya. May mga prinsipyo at pamamaraan na pwedeng magamit upang makatiyak na ang ating mga pamilya ay hindi malalagay sa alanganin sa larangan ng pananalapi. Maiiwasan ang pangungutang at kung anu-ano pang panandaliang remedyo kung ang paggamit ng pamilya ng pera ay pinaplano. Ang kaalaman tungkol sa personal na pananalapi ay lubhang makatutulong kung paano mapapabuti ng ating mga pamilya ang paghawak ng pera.

Kasama sa mga aralin sa personal na pananalapi ang pagtatakda ng kung magkanong halaga ang nais mong makamit sa loob ng isang takdang panahon. Kalakip nito ay ang mga napiling pamamaraan kung paano makakamit ang layuning ito. Nais nating himukin ang ating kabataan na mangahas na mangarap ng isang magandang kinabukasan para sa kanyang sarili at sa kanyang magiging pamilya sa araw ng bukas. Ang adhikaing ito ay posibleng mapukaw kung maipakikita ang mga posibilidad na pwedeng mangyari kung ang isang tao ay magsusumikap. Ang pag-aaral hinggil sa personal na pananalapi ay pwedeng magsilbing punla upang magkaroon ng ganitong kamalayan.

Sa pagmamasid natin sa ating pamayanan ay mapapansin natin ang marami sa ating katandaan na naghihikahos. Sila marahil ay nagkamal ng malaking halaga noong kanilang kabataan ngunit sa kanilang pagtanda ay nabaon na sa kahirapan. Ito ay tanda ng kawalan ng sistematikong pagpapaunlad sa kanilang kabuhayan. Malaki ang maitutulong ng sapat na kaalaman sa paghawak ng pera upang maiwasan ang masadlak sa ganitong kalagayan. Tuldokan na natin ang kawalan ng tamang gabay na pananalapi na siyang sanhi ng kahirapan ng ating katandaan. Turuan na natin ang ating kabataan sa wastong pamamaraan sa paghawak ng pera.

Talamak pa rin ang kahirapan sa ating bansa. Isa sa mga dahilan ng ganitong kalagayan ang kakulangan ng kaalaman sa paghawak ng pera. Marami tayong maling kaisipan na dapat lang na ituwid kung gusto nating maiwasan ang kahirapan. Kailangan nating patatagin ang personal na disiplina upang makamit natin ang masaganang pamumuhay. Kinakailangan na gamitin natin ang ibat-ibang pamamaraang pang pinansiyal upang hindi tayo masadlak sa kahirapan. Siguraduhin natin na ang ating mga mag-aaral ay nabibigyan ng tamang kaalaman tungkol sa pananalapi. Paramihin natin ang mga mamamayang naiaangat mula sa pagiging mahirap sa pamamagitan ng kaukulang edukasyon.

Makabuluhan at nararapat na idagdag sa pangkalahatang kurikulum na pang edukasyon ang mga aralin tungkol sa personal na pananalapi. Tulungan natin na mapaunlad ang pamumuhay ng mga kapwa Pilipino at mabawasan ang kahirapan sa ating bansa. Makibahagi tayo sa mga nagsusulong na isama ang mga aralin sa personal na pananalapi sa mga pinag-aaralan sa mababa, mataas, at kolehiyong antas ng edukasyon. Sama-sama nating ipahatid sa mga kinauukulan sa Kagawaran ng Edukasyon at maging sa ating mga mambabatas sa Kongreso ang pangangailangan na maipatupad ang panukalang ito.

Mula sa Hayzkul.blogspot.com

Tinamnan ng binhi. Kung ang lupa ay alaga sa pataba, higit ding lulusog ang binhing tumutubo rito. Tutubuan ito ng malala-king ugat na hindi mabubuwag ang pagkakakapit sa lupa. Magkakaroon ito ng matibay na pundasyon at hindi mabilang na mga sanga kung saan tutubo ang malalago nitong dahon at ang malalaki nitong bunga. Ang binhing aking tinutukoy ay ang kabataan. Ang kanilang kinabukasan ay nakasalalay sa kanilang edukasyon. Sa tulong ng mga magulang, mga kaibigan at lalung-lalo na ng mga guro, lumalago ang kanilang kaalaman sa iba’t ibang larangan. Ang mga natutununan ay makatutulong sa kanila hanggang sa kanilang pagtanda. Ang kailangan lang gawin ng kabataan ay buong pusong tanggapin ito sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti at pagsasabuhay nito. Kung lubos na maiintindihan ng bawat mag-aaral ang tunay na kahalagahan ng edukasyon, maiiwasan sana ang mga karaniwang suliraning hinaharap ng kabataan ngayon gaya ng hindi planadong pagkabuntis, maagang pag-aasawa at pagtigil sa pag-aaral. Ang edukasyon ay isang bagay na hinding-hindi maaagaw ninuman. Ito ay kailangan upang maisakatuparan ang pangarap ng isang bata. Sa pamamagitan nito, siya ay nahuhubog upang magkaroon ng matatag na pundasyon nang sa gayon ay hindi ito manghina ni masira sa pagharap nito sa mga pagsubok at suliranin ng buhay. Sa pamamagitan din ng edukasyon, lumalago ang karunungan ng bata at hindi lamang limitado sa akademiko. Ito rin ay nagiging daan upang ang isang bata ay makapulot ng gintong aral na tatatak sa kanyang buhay. Kung magagamit ng isang bata ang kanyang karunungan nang wasto at lubos, siya ay magiging isang mahalagang bahagi ng kanyang pamilya, ng kanyang lipunan at ng inang bayan. Isa sa magandang proyekto ni Jose Rizal ay ang pagpapatayo ng paaralan dahil naniniwala siya na sa sa pamamagitan ng edukasyon, ito ang magiging daan sa mga kabataan na maiangat sila para sa mas mabuting kinabukasan sapagkat kung may pinag-aralan mas makakahanap ng mas magandang trabaho na tulay rin tungo sa matiwasay at pagkakaroon ng magandang kinabukasan. Di nga ba’t ang mga kabataan ang pag-asa ng ating bayan? Kaya dapat lang na magkaroon ng tama at angkop na edukasyon para naman ang pangarap ng ating mga ninuno na mabuting kinabukasan para sa bayan ay makamtan.

Mula sa JohnLloydQuijano.wordpress.com

Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na Edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo na isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. Mataas na Edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na natutunan sa ating mga unibersidad at paaralan. Bagaman, kasama ito sa mga pangunahing elemento upang magkaroon ng sapat na Edukasyon, ang praktikal na Edukasyon na nakabase sa ating araw-araw na pamumuhay ang siya paring dapat na piliting maabot. Matibay ang isang Edukasyon kung ito ay may pinagsamang katalinuhan bunga ng mga pormal na pag-aaral tungkol sa Mathematics, Science, English at mga bagay na tungkol naman sa buhay at kung paano mabuhay na maayos. Ang Edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap na isang bansa. Kung wala ito, at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang matibay at matatag na pundasyon ng Edukasyon, magiging mahirap para sa kanila na abutin ang pag-unlad. Marapat lamang na maintindihan na ang Edukasyon ay siyang magdadala sa kanila sa kanilang mga inaasam na mga mithiin. Ang unang layunin ng Edukasyon ay upang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay at impormasyon sa kasalukuyan, sa hinaharap at sa kinabukasan. Ito ang nagsisilbing mekanismo na humubog sa isipan at damdamin at pakikipagsalamuha sa kapwa ng isang tao. Ito rin ang dahilan ng mga mabubuti at magagandang pangyayari sa ating mundo at ginagalawang kapaligiran. Ang Edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ay nagiging daan sa isang tao upang magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa kanyang buhay, pagkatao at komunidad na ginagalawan. Ito ang naghuhubog ng mga kaisipan tungo sa isang matagumpay na mundo na kailangan ng bawat isa upang lubusang mapakinabangan ang daigdaig at malaman ang mga layunin nito.

Sanaysay ni Dian Joe Jurilla Mantiles

Tunay ngang ang edukasyon sa buhay ng bawat isa ay kapara ng isang walang katapusang paglalakbay sa mundong sinasaklawan ng aspektong ‘pagbabago’. Ito ang pinaka-makapangyarihang sandata na kahit sinuman ay walang kakayahang baguhin at angkinin sapagkat ito ay permanenteng nakaukit na sa diwa at kamalayang pantao ng isang nabubuhay. Sa bawat umaga ng ating buhay, tayo ay binabasbasan ng Poong Lumikha ng kalayaan upang makaanib at makasabay sa kung ano mang kakatwa ang sumasaklaw sa ating lipunang kinabibilangan. Hindi man lingid sa ating kamalayan subalit buhat nang tayo ay nasa sinapupunan pa lamang ay batid na natin ang espiritu ng ‘pagkatuto’. Maging sa kauna-unahang pagsambit natin ng salitang “mama” hanggang sa tayo ay unti-unting nabihasa sa ating “abakada” tayo ay nabibilang na pundasyon ng edukasyon. Karaniwang pamantayan sa edukasyon na kung ang tao ay nasa gulang tatlo na ay maari na itong magsimulang pumasok sa isang paaralan. Sa makatuwid, mahabang panahon ang iginugugol ng isang tao para sa kanyang edukasyon.

Sa aking labindalawang taon na pananatili sa loob ng paaralan, masasabi kong ako ay parang nasa isang paraiso. Bagamat hindi sa lahat ng pagkakataon ay masaya ako, maraming pagkakataon naman sa aking buhay ang nagpapaunawa sa akin na ang edukasyon ay patuloy na umaangkla sa aking pagkatao at maging sa aking kalapit na hinaharap. Ito rin ay patuloy na nag-iiwan ng hindi mga matatawarang implikasyon ng pagbabago sa aking pagkatao na siyang dahilan kung bakit ganito ako katatag ngayon. Bukod sa mga karaniwang talakayin, prinsipyo at pang-akademikong layunin na siyang ipinapabatid ng edukasyon, ito rin ang nagsilbing balangkas upang mabuksan ko pa ang lagusan sa kabilang ibayo. Mula dito ay binigyan din ako ng pagkakataon upang makakilala ng iba’t ibang deskripsyon ng aking kapwa tao at mga karanasang aking daldalhin habambuhay. Ito ay ang aking karanasan noong ako ay nasa ika-4 na baitang. Ang karanasan na marahil para sa akin ay mapanglaw at natatangi lamang.

Isa akong walang kwentang mag-aaral. Oo, tama ang nababasa mo. Wala akong ibang inisip noon kundi ang makawala sa paaralan na kapara ng isang bartolina sa akin ay nagbibigay lamang ng pasakit at matinding paghihirap. Ang tanging namumutawi na lamang sa aking isipan noon ay ang pagpasok buhat sa kagustuhan ng aking mga magulang. Naaalala ko pa noon na sa tuwing darating ang katapusan ng Marso ay wala akong ibang ginawa kung hindi ay panoorin na lamang ang aking mga kaklaseng maglakad sa harapan ng entablado kasama ng kanilang mga magulang upang tanggapin ang kanilang mga parangal. Gustuhin ko mang itago ang aking nararamdaman, subalit ito ay pilit na kumakawala at ako ay tila isang ibon na sa piitan ay nananahanan. Hindi man hayag sa aking mga magulang ang kanilang pangingimbulo subalit nararamdaman ko ito. Pinipilit ko itong labanan subalit wala akong magawa. Napakalakas ng enerhiyang ito at siya ring enerhiya ang unti-unting sumisipsip sa aking pag-asang makapagbagong buhay. “Bakit kahit na anong gawin ko ay wala pa ring nangyayari?” ito ang katanungan na patuloy na sumisilab sa aking mura at gahasang isipan.

Sinusubukan ko ang lahat ng aking makakaya. Sinubukan kong magsipag at umayon sa kung ano ang pamantayan sa aming klase. Lahat ng ito ay hindi naging madali sa akin. Sapagkat noo’y wala pa akong kabatiran patungkol sa mahalagang papel ng edukasyon sa aking magiging kinabukasan. Wala pa akong alam sa edukasyon maliban sa ito ay “mahirap at walang kwenta”. Nagdaan ang maikling panahon at dito ay nakilala ko si Ginang Adora Madayag. Ang aming guro sa asignaturang Filipino. Siya ay may edad na sa panahong iyon subalit napakalakas ng kanyang impresyong iniwan sa akin. Hindi ko maipaliwanag subalit dahil sa kanyang mga pangaral ay tila unti-unting nagbago ang pagtingin ko sa aking sarili na noo’y walang pakialam sa halaga ng edukasyon. Sa kanya ko rin natutuhan na hindi lamang pala akademikong kaalaman ang batid na ipamalita ng mga talakayin sa paaralan bagkus ay naglalayon din itong bigyan ang lahat ng pagkakataong makabuo ng pagkakaibigan at pamilya sa lahat ng aspektong sinasaklawan nito. Hindi lang dapat kaalaman ang ating panghawakan mula sa ating mga guro nararapat ding maunawaan natin ang tunay na karunungan mula dito. Sa markang “90” ako nagsimulang yumabong at nagpatuloy sa pagkamit ng aking mga adhikain sa paaralan. Hanggang ngayon sa kasalukuyan, patuloy pa rin akong naglalakbay papalapit sa aking mga pangarap sa buhay.

Ang karanasang ito ang nagturo sa akin kung paano umunlad hindi lamang sa aking mga markang nais matamo subalit nakaanib na rin dito ang mga prinsipyo at impresyong hindi na maiaalis sa aking puso’t isipan sa kalagitnaan ng aking paglalakbay sa mundong ibabaw. Nawa’y lubusan nating mabatid na sa ibayo ng mga pamantayang sumasaklaw sa kultura ng edukasyon, ang layon nitong magbigay ng magaganda at makabuluhang karanasan ang magsisilbing proteksyon at sandata natin sa pakikidigma sa ating mga sarili at sa kung ano mang pagbabagong nakaukit na sa ating panahon.

SEE ALSO: Mga Sanaysay Tungkol sa Kahirapan

Umaasa kami na ang mga halimbawa ng sanaysay tungkol sa edukasyon na iyong nabasa ay may positibong naidulot sa iyo. Maari mo din itong ibahagi sa iba upang maging sila man ay matuto. Maraming salamat!

You May Also Like

  • Alamat ng Bulaklak
  • Sitsiritsit Alibangbang Lyrics
  • Tula Tungkol sa Wikang Filipino (10 Tula)
  • Si Mario, si Ana, at ang Isda
  • Tagalog Knock Knock Jokes: 50+ Best Pinoy Knock Knock Jokes
  • X (Twitter)
  • More Networks

IMAGES

  1. Halimbawa Ng Pamagat Ng Thesis Sa Filipino Tungkol Sa Edukasyon

    thesis title tungkol sa edukasyon

  2. Halimbawa Ng Pamagat Ng Thesis Sa Filipino Tungkol Sa Edukasyon

    thesis title tungkol sa edukasyon

  3. Halimbawa Ng Pananaliksik Tungkol Sa Edukasyon Halimbawa

    thesis title tungkol sa edukasyon

  4. Halimbawa Ng Pamagat Ng Thesis Sa Filipino Tungkol Sa Edukasyon

    thesis title tungkol sa edukasyon

  5. Halimbawa Ng Pamagat Ng Thesis Sa Filipino Tungkol Sa Wika

    thesis title tungkol sa edukasyon

  6. Halimbawa Ng Pamagat Ng Thesis Sa Filipino Tungkol Sa Edukasyon

    thesis title tungkol sa edukasyon

COMMENTS

  1. Edukasyon sa Gitna ng Pandemya: Pananaliksik ukol sa Distansyang

    PDF | On Dec 5, 2021, Rozar Ric Cachuela Catabian published Edukasyon sa Gitna ng Pandemya: Pananaliksik ukol sa Distansyang Pamamaran ng Pagtuturo ng Wika at Panitikan sa Panahon ng Pandemya ...

  2. Tesis Na Pahayag: Epekto Ng Pagliban Sa Klase Ng Mga Mag-aaral Ng Grade

    TESIS NA PAHAYAG: EPEKTO NG PAGLIBAN SA KLASE NG MGA MAG-AARAL NG GRADE 11 SENIOR HIGH SCHOOL SA ATENEO DE DAVAO UNIVERSITY Rasyonale Isa sa pinakamahalagang parte ng buhay ng tao ang edukasyon. Ito ay nagsisisilbing yaman natin sa buhay, ang siyang daan sa pagkakaroon natin ng inaasam na trabaho o pinapangarap na negosyo.

  3. (DOC) THESIS FINAL 1

    THESIS FINAL 1. Precious Mae Peralta. Panimula Sinasabi na ang bansang Pilipinas ay unti-unti nang umuunlad at nakasasabay sa iba pang mga bansa sa Asya ayon sa mga kaugnay na programa ng ASEAN Intergration 2015. Kaakibat ng mga pag-unlad na ito ay ang napakaraming pagbabago na mangyayari sa kapaligiran. Makikita ang mga pagbabagong ito sa ...

  4. (PDF) MGA ESTILO NG PAG-AARAL AT EPEKTO NITO SA ...

    Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga estilo ng pag-aaral ng mga iba't . ... tagumpay sa mas mataas na edukasyon" (Vittorio et al., 2000)

  5. Ang Tagapamagitang Epekto Ng Teknolohiya Sa Pagtuturo at ...

    Ang pananaliksik na ito ay nag-aaral ng kung paano nakakaapekto ang teknolohiya sa pagtuturo at pagkatuto ng mga guro sa Pilipinas. Sinusuri nito ang mga salik na nakakaugnay sa kahandaan ng mga guro na gamitin ang teknolohiya sa kanilang mga klase, gaya ng kanilang kaalaman, kasanayan, at pananaw. Gamit ang crossref na pamamaraan, nakakuha ang mga mananaliksik ng mga datos mula sa iba't ibang ...

  6. "K to 12: Salamin ng Paghamon, Pagkasindak at Realidad"

    Download Free PDF. View PDF. "K to 12: Salamin ng Paghamon, Pagkasindak at Realidad" IMELDA P. DE CASTRO Unibersidad ng Santo Tomas "Naninindigan pa rin po tayo sa ipinangako nating pagbabago sa edukasyon: ang gawin itong sentral na estratehiya sa pamumuhunan sa pinakamahalaga nating yaman: ang mamamayang Pilipino.

  7. PDF Edukasyon sa Pagpakatao and Education for the Love of the World

    Ayon sa pilosopiya ng Personalismo, nakaugat lagi sa pagpapakatao ang ating mga ugnayan. Nililikha natin ang ating pagpapakatao sa ating pakikipagkapwa. Sa Virtue Ethics naman, sinasabing ang isang mabuting tao ay nagsasabuhay ng mga virtue o mabuting gawi 2 Ibid, p. 4. 3 "K to 12 Edukasyon sa Pagpapakatao Gabay Pangkurikulum".

  8. (PDF) Challenges in teaching edukasyon sa pagpapakatao ...

    Educational district (EDDIS) IV. Eleonor C. Sinocruz 1,2, Crisanto A. Daing, Ph.D 1,2,3. Our Lady of Fatima University 1. Graduate School 2. Research Adviser 3. Our Lady of Fatima University ...

  9. PDF Pananaw at Pagsusuri tungkol sa Edukasyon at Teknolohiya Patungo sa

    mahalagang karanasan at kaalaman tungkol sa mga digital na tool sa pag-aaral sa pamamagitan ng mga online na klase. Gayunpaman, kinakaharap nila ang ... (2021) na isama ang edukasyon sa pag-compute sa mga umiiral na balangkas ng pagbabasa at pagsusulat. Gayunpaman, may mga pagsubok pa rin sa pag-angkin ng teknolohiyang pang-edukasyon

  10. Paggamit ng teknolohiyang pang-instruksyon at ang antas ng kahusayan sa

    Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa paggamit ng teknolohiyang pang-instruksyon at ang antas ng kahusayan sa pagtuturo ng mga guro sa Filipino sa Central University, taong panuruan, 2005-2006. Paraang palarawan ang metodong ginamit ng mananaliksik. Dalawang talatanungan ang ginamit sa pagtipon ng mga datos na kailangan sa pag-aaral: ang unang bahagi ay binubuo ng mga katanungang kaugnay sa ...

  11. Ang Pagtuturo ng Wika at Kulturang Filipino sa Disiplinang Filipino

    sa Sistema ng Edukasyon sa Pilipinas Sa disertasyong "Istratehiyang Ideyolohikal ng Kolonyalismong Amerikano sa Pilipinas: Pagsusuri ng Kanong Pampanitikan sa Paaralan, 1901-1942" (1999), sinuri ni Ma. Isabel C. Pefianco ang edukasyong pangwika at panitikan noong panahon ng kolonyalismong Amerikano. Ang pangunahing ideang nilinang niya sa

  12. Term Paper Tungkol Sa Edukasyon

    Term Paper Tungkol Sa Edukasyon - Free download as PDF File (.pdf), Text File (.txt) or read online for free. - Writing a thesis can be challenging due to the extensive research, critical thinking, and writing skills required, which many students struggle with and find overwhelming. - HelpWriting.net understands these difficulties and provides high-quality assistance to students through a team ...

  13. 'Edukasyon sa Pagpapakatao' and Education for the Love of the World

    Edukasyon sa Pagpapakatao is one of the learning areas included in the Department of Education's current K-12 program, which seeks to instill a love of the environment in students and encourage ...

  14. Final thesis filipino

    Ang bahaging ito ay naglalahad tungkol sa disenyo ng pananaliksik, lugar pananaliksik, respondent, instrument ng pananaliksik, paraan ng panglikom ng mga datos at pagsusuring istatistikal. ... Ang UB-HS ay patuloy na nagbibigay ng de kalidad na edukasyon para sa mga mag-aaral. Sa kasalukuyan, ang paaralan ay patuloy na nagbibigay ng mga lektyur ...

  15. Ang pilosopiya ng edukasyon para sa mga Pilipino ayon kay Emerita S

    Abstract/Summary. Ang Pilosopiya ng Edukasyon para sa mga Pilipino ayon kay Emerita S. Quito ay dapat tungo sa rekonstruksyon ng lipunan. Ito ay nakabatay sa pagmamahal sa bayan o nasyonalismo. Para sa kanya kailangan ang dekolonisasyon upang alisin ang impluwensya ng mga dayuhan na naipunla sa loob ng mahigit tatlot kalahating sentenaryo ng ...

  16. Thesis tungkol sa wika at kulturang pilipino

    Thesis sa filipino tungkol sa edukasyon. Komunikasyon at pananaliksik sa wika at kuurang pilipino document. grades 11 filipino dll. ... Halimbawa ng thesis title sa filipino askiver docs thesis kabanata. Base rin sa ginawang interbyu ng mga mananaliksik may ilang estudyante na pumupunta talaga sa mga bookstore upang bumili ng kanilang sariling ...

  17. Mga Maaaring Pamagat Sa Pananaliksik

    i hope this can help you in looking for ideas sa mga gusto nyong maging topic sa research nyo by alexia5chiara

  18. Makabayang Pagsusuri sa Kasalukuyang Kurikulum ng Sistema ng Edukasyon

    Makabayang Pagsu su ri sa Kasalukuyang Kurikulum. ng Sistema ng Edukasyon sa Pilipinas. David Michael M. San Juan. Convenor, Kilos na Para sa Makabayang Edukasyon (KMEd) Associate Professor, De La ...

  19. Baby+Thesis+Sa+Filipino+Tungkol+Sa+Edukasyon (1)

    Baby+Thesis+Sa+Filipino+Tungkol+Sa+Edukasyon (1) - Free download as PDF File (.pdf) or read online for free. Scribd is the world's largest social reading and publishing site.

  20. Philippine EJournals| Category and Use of Graduate Researches in

    Ang mga ito ay Master sa Filipino, Master ng Sining ng Edukasyon sa Filipino at Doktor ng Pilosopiya sa Filipino. Napag-alaman ng mga mananaliksik na karaniwang mga kagamitang instruksiyonal sa Filipino ang nagsilbing output ng mga sinuring pag-aaral. Kabilang sa mga kagamitang panturo ay mga aklat, modyul, banghay-aralin, diksiyonaryo, at iba pa.

  21. (PDF) Danas at persepsyon ng mga mag-aaral sa face-to ...

    Ang artikulong ito ay isang integratibong rebyu ng mga pag-aaral at literatura tungkol sa mga danas at persepsyon ng mga mag-aaral sa face-to-face at online learning. Ito ay naglalahad ng mga ...

  22. Mga Sanaysay Tungkol sa Edukasyon (10 Sanaysay)

    Halina't basahin ang sampung sanaysay tungkol sa edukasyon na aming kinalap at pinagsama-sama. Nawa ay makatulong sa iyo ang mga sanaysay na ito. 🙂. SEE ALSO: Mga Talumpati Tungkol sa Edukasyon. Mga Halimbawa ng Sanaysay Tungkol sa Edukasyon. Ang Kahalagahan ng Edukasyon; Kahalagahan ng Edukasyon

  23. Lawak ng Pagpapahalaga ng mga Estudyante sa Asignaturang Filipino

    Karamihan sa mga respondente ay nagmula sa Kolehiyong Negosyo at Pamamahala (CBA) at Kolehiyong Edukasyon (CE). Karamihan sa mga respondente ay pumili ng Ingles bilang pangunahing paborito nilang ...